Mga panuntunang pang -moral sa pagkakaloob ng dugo

The 8 ethical principles

  1. Walang pagkakakilanlan
    ang pagkakakilanlan ng donor at ng tumatanggap ay pinamamahalaan batay sa privacy ng mga nagpapatakbo ng Sistema trafusionale (Sistema sa pagsasalin).
  2. Kalayaan sa pagpili
    ang pagkakaloob ng dugo ay isang pagpiling batay sa kalayaan at kaalaman.
  3. Hindi-nagpapatubo
    ang dugo at ang iba pang bahagi nito ay hindi maaaring pagkakitaan; ang halaga ng isang yunit ng dugo/bahagi nito ay itinatakda batay sa ginastos sa pagkuha, paghahanda, pagsusuri at pamamahagi ng mga produkto ng dugo.
  4. Libre
    ang pagkakaloob ng dugo ay libre at hindi maaaring tumbasan ng kahit na anong uri ng kabayaran. Sa Italya, ang pagkakaloob ng dugo nang may bayad ay may karampatang parusa batay sa Art. 22 ng batas 219/2005.
  5. Kalinisan
    para sa bawat donor, ang mga kasangkapang ginagamit sa pagkuha ng dugo ay isterilisado at angkop para sa isang gamitan lamang.
  6. Kaligtasan
    ang pagiging libre, ang check-up bago magkaloob at ang mga test na isinasagawa ang tumitiyak na ligtas ang mga produktong-dugo na ibinibigay sa mga may sakit at napangangalagaan ang kalusugan ng mga donor.
  7. Kalidad​​​​​​​
    tinitiyak ang pinakamataas na kalidad ng dugong isinasalin sa pamamagitan ng pinakamaayos na pamamaraan at maraming beses ng pagsusuri sa mga kasangkapang ginagamit dito.
  8. Kalimitan​​​​​​​
    ang dugo ng mga donor na madalas magkaloob ay simbolo ng katiyakan ng pagiging mapagkakatiwalaan at kaligtasan para sa tumatanggap gayundin, ito ay isang katiyakan ng pagkukunang-dugo. Ang isang regular na donor ay sinusuri ng isang doktor, at sumasailalim sa mga mabusising eksaminasyon at maingat na pagsusuri sa dugo.

Ang dugo

Ang dugo at ang mga bahagi nito

Ang dugo ay likido mula sa katawan na dumadaloy sa mga ugat, kinakatawan nito ang 8% ng bigat ng katawan at binubuo ng isang bahaging likido—ang plasma, at ng iba’t ibang selula na kinabibilangan ng: selula ng pulang dugo, selula ng puting dugo, at platito na tinatawag na ‘mga bahagi ng dugo’.

Vaso sanguigno

Bakit magkakaloob

Who needs blood?

Ang pangangailangan sa dugo at sa mga bahagi nito ay patuloy na tumataas dahil sa pagtanda ng populasyon at patuloy na pagdami at pagkakaroon ng mga bagong gamot. Mahalaga ang dugo para sa maraming uri ng panggagamot at hindi lamang sa mga sitwasyong pang-emerhensya. Hindi mo maaaring malaman kung kanino mo naipagkakaloob ang iyong dugo, ngunit asahan mo na ang ang iyong donasyon ay magagamit sa maraming uri ng sakit, sa mga may tumor at sa mga taong dinudugo dahil sa trauma, operasyon tulad ng paglilipat ng bahagi ng katawan, o habang nanganganak

Ang iba ‘t ibang uri ng donasyon

Whole blood donation

The most common form of donation is whole blood. This enables all the blood components such as red cells, white cells and platelets to be collected at the same time, for later processing. Aferesis is a blood donation method in which the blood is passed through an apparatus that separates out the cells and returns the remainder to the donor through infusion. It is also possible for 2 components to be removed simultaneously, in which case the process is called multicomponent donation. Aferesis donation has the advantage of being able to harvest a larger number of the components sick people need; the products are longer-lasting than donated whole blood. This type of donation is usually provided by donors who have already given blood. Recent scientific studies have come up with other forms of donation, such as the gathering of stem cells from umbilical cords or bone marrow, for use in innovative treatments for many diseases.

Gruppi sanguigni

Hakbang at kundisyon

Hakbang

  1. Ang pagpaparehistro
    Matapos humingi ng balidong dokumento na pagkakakilanlan, ipapasok ng doktor ang iyong mga impormasyon sa Banca dati (data bank) ng Sistema transfusionale at gagabayan ka sa pagsagot ng mga pormularyong pinasasagutan bago makapagkaloob ng dugo.
  2. Pagsusuri ng kaangkupan​​​​​​​
    Bago ang bawat donasyon, kukuhaan ka ng ilang sampol ng dugo na kinakailangan para sa mga test na isinasagawa bago ang pagkakaloob, matapos ito ay sasailalim ka sa isang kumpedensyal na panayam at check-up ng doktor upang suriin kung angkop ang iyong pagkakaloob batay sa kaligtasan ng donor at ng tatanggap.
  3. Ang pagkuha ng dugo
    Ang pagkuha ng dugo at ng mga ibang bahagi ay isinasagawa ng isang manggagawang pangkalusugan na handa at kwalipikado. Ang paraan ng pagkuha ng dugo ay simple at walang hatid na panganib, ang mga kasangkapang ginagamit ay angkop sa isang gamitan lamang at tiyak na ligtas para sa donor.
  4. Matapos ang donasyon​​​​​​​
    Matapos ang pagkuha ng dugo ay bibigyan ka ng almusal. Tandaan na kung ikaw ay isang manggagawang subordinado, may karapatan ka sa isang araw ng pahinga na may bayad.

Step donazione

Kundisyon

Maaari kang magkaloob ng dugo kung ikaw ay:

  1. nasa pagitan ng edad na 18 at 65;
  2. pinagtibay na angkop na magkaloob ng isang doktor;
  3. may timbang ng katawan na higit sa 50 Kg.

Ano ang nangyaya ri sa donasyong-dugo?

Matapos kunin ang dugo, ito ay sumasailalim sa iisang pamamaraan na sang-ayon sa itinakdang pamantayan (standard) na siyang naghahatid dito nang ligtas mula sa donor patungo sa tatanggap. Ang mga bahaging pinaghiwa-hiwalay at sinuri ay hinahati-hati sa mga departamento ng ospital na humihiling nito at binibigyan lamang matapos sumailalim sa mga test na tumitiyak sa pagkakatugma ng donor/tatanggap. Ang bawat pakete ng dugong nakuha at mga katugmang sampol nito ay inililista at tinutukoy sa pamamagitan ng isang natatanging bar code upang matiyak na sa kabila ng proseso ng pagkuha ay madaling malalaman ang pinagmulan ng dugo (sa loob ng 30 taon) upang magarantiya ang kaligtasan na tatahakin ng donasyong-dugo.

Saan magkakaloob?

Ospital

Maaaring magkaloob ng dugo sa mga pasilidad ng ospital o sa mga gusaling pinamamahalaan ng mga asosasyon. Maaari mong direktang ipaalam nang mas maaga ang uri ng donasyon sa mga sentro na kumukuha ng dugo o sa pamamagitan ng mga asosasyon ng mga donor ng dugo.

 

Per diventare donatore, rivolgiti alla sede comunale più vicina a te.